she said... she said... she said...

Wednesday, January 25, 2006

ranting

naiinis ako. oo, nakakainis!

maliit na bagay lang naman pero nakakainis pa rin. ni hindi nga ako sigurado kung kanino ba ako maiinis... sa'yo ba o sa sarili ko... dahil nagdesisyon ako ng isang bagay na parang gusto ko nang bawiin ngayon.

simula ng magka-cellphone ako, that was five years ago... iisang number lang ang ginamit ko. masyado kase akong senti. ayokong magpalit ng number. kung hindi lang din masisira ang sim, hinding-hindi talaga ako magpapalit ng number.

nauso ang suncellular. unlimited sun to sun text and call. ayos, di ba? napagkatuwaan namin ni bes na bumili ng sim. sya, ok lang kase nagagamit naman nya pagtawag sa kapatid nya sa davao. ako, wala lang... naengganyo nya lang ako bumili. sabi nya, para daw usap kami ng walang humpay sa sun. eh dahil malakas sya sakin, bumili na rin ako. pero hindi ko naman din nagagamit. una, aksaya sa load. eh si bes lang naman ang paggagamitan ko nun. baket pa, eh may smart naman at landline. at lalong baket pa... eh magkasama naman kami sa work. sus!

pero nung dumating ka, nagbago ang paningin ko sa suncel. biglang may silbi na sya para sakin. nagamit ko rin ang sim na halos hindi pa ubos yung free load dahil nga hindi ko naman sya talaga nagagamit simula nung binili ko sya. tapos nung naubos ang free load, hindi ko na na-loadan ulit. bakit pa eh may smart naman ako. at tsaka unlimited naman yung load mo... pede mo ko tawagan sa sun kahit na wala akong load.

pero hindi ka na-satisfy. dahil mas madalas pa ring smart ang gamit ko, maaksayado sa load para sayo. kaya isang gabi... bigla mo na lang sinabi na... "alam ko na kung pano ako makakatipid sayo. isaksak mo yung sun sim mo".

at dahil malakas ka sakin, sinunod ko naman ang sinabi mo. yun pala, pinadalhan mo ng load ang suncel ko. syempre, nahiya naman akong hindi gamitin yun. dahil alam ko, kaya mo ginawa yun eh para mas madali mo ko makontak, at para na rin masulit yung unlimited chenes. mga dalawa or tatlong beses mo rin ata ginawa yun. hindi ko na matandaan.

pero sa kalaunan, sablay pa rin. dahil mas madalas pa rin na smart ang gamit. nagagalit kase sakin yung nanay ko pag tinatawagan ako sa smart tapos hindi ako makontak. at dahil madalas na exclusive lang sa suncel ang nilo-load mo, hindi mo ako ma-text sa smart. hindi ko alam kung accurate ba itong pinagsasasabi ko. nire-recall ko na lang pero hindi ko na sigurado kung ganto nga talaga ang sitwasyon dati.

hanggang sa napagdesisyunan kong bumili ng extrang phone. nung una, binalak kong bumili ng second hand phone... kahit yung lumang model para lang open all the time yung suncel. tapos, naisip kong magpa-line. habol ko kase yung libreng unit. maswerte naman dahil na-approve ang line application ko. ang husay!

ayan... pwede na kitang i-text at tawagan ng walang humpay! sablay minsan dahil walang signal. pero ayos lang. at least, nagawan ko ng paraan na maging mas madali mo akong ma-access, and at the same time, hindi na nagagalit ang nanay ko.

pagkatapos ng ilang buwan, heto ka na. iba na naman ang gamit mong number. biglang globe na ang ginagamit mo. naiintindihan ko naman yung rason. halos lahat ng classmates mo, globe ang gamit. hindi nga naman reliable ang suncel to globe and vise versa na texts. sige, sabi mo eh.

nung una-papalit-palit ka pa ng sim. pero lately, hindi mo na totally ginagamit ang suncel. napapansin kong nawawalan na ng silbi ang extra kong phone. nagiging pampadami na lang sya ng dala sa araw-araw. eh ano na gagawin ko dito?

nag-uumpisa na akong mainis. araw-araw kong nakikita ang teleponong walang silbi. oo nga, nagagamit ko nga sya paminsan minsan pag nababato ako at walang magawa. pero hindi yun ang purpose kaya ako nag-suncel. hindi ko na nakikita yun ngayon.

hindi na ako nakatiis. sinabi ko sayong pinag iisipan ko nang ipaputol ang linya ng suncel ko. nagtanong ka kung baket. nagtanong pa! ako naman, sa kagustuhan kong ipaintindi sayo, ipinaliwanag ko. pagkatapos ng explanasyon, wala kang nasabi kundi nahihiya ka dahil ang laki ng nagawa ko para sayo. pagkatapos, tinanong kita ulit kung sa palagay mo ba, ipapaputol ko na. ang sagot mo... ikaw. sabi ko nga... salamat.

sabi mo, hindi mo talaga alam. hindi mo alam kung pano mag-desisyon sa mga bagay na ganito. masyado nga sigurong malaking desisyon ang kailangan dito. isa lang naman ang gusto kong marinig eh. isa lang ang iniisip kong sana man lang, sabihin mo.... "wag mong ipa-cut ang suncel mo kase temporary lang naman ang paggamit ko ng globe. may tinatapos lang kaming project ng mga group mates ko kaya kailangan isakripisyo muna ang suncel. mas priority ko naman yung suncel kaya lang, kailangan lang talaga. gagamitin ko din yun ulit pagkatapos"... or something to that effect.

pero taena... ang sabi mo lang, nahihiya ka. nahihiya ka tapos wala na. ang galing, di ba? inexplain ko pa sayo kung ano yung point ko eh wala rin naman pala. tinanong ko pa kung ano sa tingin mo ang dapat kong gawin pero wala naman akong nakuhang sagot. ah, oo nga pala... may sagot nga pala.. hindi mo alam. at parang sa salita mo, wala ka na talagang balak na palitan ang globe.

nakakainis lang. nakakainis talaga. gaya nga ng parati kong sinasabi, it's just a matter of priority. ako, priority kita kaya ginawan ko ng paraan para magkaroon ng extrang phone para at least naman eh maramdaman mo yung presence ko anytime na kelangan mo sya maramdaman. para na rin sakin, para at least pwede kong maramdaman ang presence mo anytime na kailangan ko sya maramdaman. pero lately, wala na yun. kase nga, hindi ako ang priority mo these days. parang yung ginawa ko, nawalan ng saysay. nakakainis lang isipin na parang hindi mo naisip yung ginawa ko para sayo. na gumawa ako ng isang desisyon na nababale-wala na ngayon. kunsabagay, napakinabangan ko rin naman yung suncel. ipapakita ko sayo minsan yung mga statements ko para makita mo kung sino lang ang tinatawagan ko gamit ang teleponong yun. baka sakaling mas ma-appreciate mo. baka sakaling maisip mo na hindi ka nga pala dapat nagpalit ng sim permanently.

sa dinami-dami ng sinabi ko, naiisip ko pa rin naman kahit papano ang statement na 'to.. BAKET, SINABI BA N'YA SAYO NA MAG-SUNCEL KA? BAKET PARANG ISINUSUMBAT MO SA KANYA ANG ISANG BAGAY NA IKAW NAMAN ANG MAY GUSTO??

sabi ko nga.

naiinis ako. pero lilipas din. ganun lang naman yun. ganun naman talaga lagi.

Friday, September 09, 2005

pasko na!!!

september na naman. nakasanayan ko ng kapag dumarating ang september 1 eh nagpapatugtog na ko ng christmas songs dito sa pc ko sa office. every morning yan, from september 1 hanggang sa araw ng company christmas party. sabi nung ibang officemates, ang aga ko naman daw magpatugtog ng christmas songs. sabi ko naman, tama lang, para maalala ng mga boss na... uy pasko na naman! bonus season!! wehehehe.

parang ngayon... sobrang busy sa papers. at the same time, nagpapatugtog na naman ako ng christmas songs. so far, merong 57 christmas songs sa mp3 files ko. pinapatugtog ko silang lahat, pero naka-shuffle. para masaya, hindi alam kung anong susunod na song.

tapos....

people making list
buying special gifts
taking time to be kind to one and all
wu-hu-hu

napangiti ako.... na nauwi sa malakas na pagtawa. classic yan. parating nangyayari na kapag naririnig ko ang christmas song na yan ng jackson five eh bigla na lang akong tatawa ng malakas... for no reason at all.

pero no reason at all nga ba? hehehehe... balik tayo sa nakaraan.... some four or five years ago...

busy kami nun sa work. sa fil-estate pa ko nun nagtratrabaho. tahimik ng office. walang imikan. hindi ko sure, pero nagkakabadtripan na ata dahil sa sobrang dami ng trabaho at hapit para sa deadline. walang nagsasalita. kanya-kanyang concentrate sa ginagawa. pero may radio naman. sobra naman na yun kung wala man lang ingay na nanggagaling kahit sa radio. yun lang ang libangan namin nun, eh. radyo. wala namang internet sa office so walang ibang diversion. sa pagkakatanda ko eh lima kami sa area namin nun... ako... si janice... si elma.... si eric... si len... lima, diba? hehehe.

tapos...

people making list
buying special gifts
taking time to be kind to one and all...

ang mga tahimik at sobrang nagko-concentrate daw sa trabaho na mga tao eh biglang sabay-sabay kumanta ng...

wu-hu-hu

tapos sabay-sabay din nagtawanan. pinagtawanan ang mga sarili dahil sa nangyari. isang linya lang pala ng christmas song ang kailangan para mabasag ang sobrang katahimikan namin noon.
basta nakakatawa sya. antahimik tas biglang nag wu-hu-hu lahat. bwahahahahhaha...


sigurado ako... kagaya ko, kapag naririnig nila ang kantang 'to eh natatawa rin sila sabay balik-tanaw sa mga masasaya at makukulit na memories namin dati. isama pa ang mga drama at topak moments.

wala lang... nakakamiss!

Friday, August 19, 2005

ulap

gusto kong lumipad
patungo sa isang lugar
malayo.. malayung-malayo
kasama ng mga anghel.

pero ang problema,
wala akong pakpak
kaya gustuhin ko man...
hindi ko naman kaya.

nandito na lang ako
walang ibang kayang gawin
kundi ang tumingin sa lugar
na ni hindi man lang maabot ng tanaw.

ikaw, na hindi kayang abutin
kahit anong pilit man ang gawin
tumatanaw ka rin ba sa kawalan
patungo sa lugar na kinatatayuan ko?

dahil hindi ko kayang lumipad,
sana na lang, isang araw
dumating ka at ilipad ako
sa tulong ng mga pakpak mo.

Tuesday, July 19, 2005

hell of a day

HAPPY BIRTHDAY DANIEL!
Belated, that is.

I have just read the most recent article posted by dychee. I didn’t quite know that she was having a miserable day yesterday, just like I did. It’s true that shit happens when you least expect it. Birthdays were supposed to be happy, really happy and not just half happy or something.

Yesterday was a bad day for me, too. Well… most days have been bad lately, but yesterday was exceptionally bad, if not worse. First day of the working week, and it wasn’t good. And as they say, have a bad Monday, and the rest of the week will definitely be bad as well.

I am sad. Really, really sad. Angel stuff. Ahh… life is just so full of crap.

I’m drowning. Somebody save me.

Wednesday, June 29, 2005

cueshe


may tugtog na blog namen, weehee!!!

galing galing... [big grin]

una sigurado akong simple plan, ngayon duda na ko.. bwahahah

Monday, June 27, 2005

partnership

two brains in one blog?
this should be fun.
i bet it will be.

first stroke...

i've proposed a thingy to my dear "sister", to have a -combined- blog..

and so.. here it is...